
NOel NAvarro
malamig ang mga nagdaag gabi
magulong isipa’y di ko mawari
ikaw ay lumisan, ito ang sanhi
nalulunod sa kawalan ng hapdi
naubos lahat ng aking pag-asa
magbalik ka’y imposibleng talaga
natuyot na luha sa aking mata
alaala mo ay di mawawala
patuloy sumunong yaring buhay ko
nasaan ka man, ako’y naririto
magkita, magyakap, mag-usap tayo
handang makiramdam sa iyong multo
patawad sa aking mga kasalanan
sana’y pagkukulang ko’y mapunan
kung taon ng ‘yong buhay ay sang-daan
matagal sana tayong nagmahalan
paalam sa sa iyo aking ama
pinto ng langit ay di magsasara
pagkat ang Diyos ay hinihintay ka
buka-palad sa ‘yo’y salubong Niya